(Kidapawan
City/May 14, 2012) ---Pormal ng nagretiro nitong Sabado ang Provincial Marshall
ng North Cotabato na si Supt. Romeo Tactaquin
kungsaan di na nito inakala na makakaabot pa siya sa araw ng kanyang
retirement.
Akala
kasi ng opisyal na katapusan niya na noong Pebrero a-19 matapos na matamaan ng
shrapnel ng 81-mm mortar na itinanim sa mismong kinatatayuan nito noong inatake
ang city Jail ng Kidapawan.
Aniya
maging ang ilang mga ngipin nito ay nawala matapos ang pangyayari, tatalong
buwan na angnakararaan matapos ang insedente.
Ito
ang isa sa mga karanasan na ibinahagi ni Tactaquin kasabay ng kanyang
retirement ceremony nitong umaga ng Sabado kasabay din ng kanyang ika-56 na
taong kaarawan.
Sa
kanyang mensahe, sinabi ng matapang na firemarshall na binigyan pa ito ng
Panginoon ng ikalawa pang buhay para mapagsilbihan pa nito ang taong bayan.
Kabilang
sa naging bisita ng opisyal sa simpleng seremonya ng kanyang pagretiro ay ang
pamilya ni Benny Balmediano, isa sa mga Red Cross volunteer na namatay sa
nasabing pag-atake.
Si
Balmediano ay remisponde sa nasabing insedente upang mag-rescue sa mga nasawi
at mga sugatan pero di nito akalain na madadamay siya sa trahedya.
Sa
kabila nito, kinilala naman si Balmediano bilang bayani ng Philippine Red
Cross, habang ginawaran naman ng, “Medalya ng Kagitingan” (Medal of
Valor) si Tactaquin.
Si
Tactaquin ay nagserbisyo sa loob ng 30 taon, kungsaan nanungkulan ito sa limang
mga firestation sa Southwest Mindanao; ang pinakamahabang sito ay ang
pagkakadestino nito sa Cotabato City.
Planu
ng opisyal na bumili ng ektaryang lupa sa isang lugar sa North Cotabato upang pagtamanan ng rubber trees matapos ang
kanyang retirement. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento