Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga kursong may licensure exam, dapat munang mag-review kaya TOR pinahohold ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 16, 2012) ---Inihayag ngayon ni Dr. Anita Tacardon, Manager ng USM Review Center na sasailalim muna sa masusing review ang anim na mga kursong kukuha ng licensure examination bago ibibigay ang kanilang transcript of Records o TOR mula sa University Registrar.


Ito upang matiyak na ang lahat ng mga kukuha ng eksaminasyon ay dumaan sa pag-review upang maiwasan ang mababang passing rate ng Pamantasan sa lahat ng mga programs na offer nito na may licensure exams.

Paliwanag naman ni Dr. Tacardon na kapag tapos ng makapag-review ang mga ito ay sabay namang ibibigay ang kanilang mga TOR sa unang linggo ngaytong buwan ng Hunyo.

Kaugnay nito, mariing pinabulaanan naman ni University Registrar III Lucia Cabangbang na walang katotohanan ang report na hinohold umano nila ang mga Transcript of Records ng mga nursing graduates na magrereview sa ilang mga review center.

Ayon kay Cabangbang, katunayan aniya ay marami na silang mga TOR ng mga Nursing graduates na nirelease nito pang nakaraang buwan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento