Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pasahero ng multicab sugatan sa aksidente sa daan; 1 pang vehicular accident naitala ng Kabacan traffic division

(Kabacan, North Cotabato/May 11, 2012) ---Mabilis na isinugod sa pagamutan ang isang pasahero ng Multicab na nakilalang si Cherry Ruiz, residente ng brgy. Kibudok, Matalam makaraang masugatan sa nangyaring vehicular accident sa National Highway, Kabacan, Cotabato particular sa Rizal St., alas 11:00 ng umaga kamakalawa.


Sangkot sa nasabing insedente ang isang pampasaherong Suzuki Multicab, kulay berde na may plate number MVW-470 na minamaneho ni Leo Collintas Lacaza, 33 at residente ng PNP Barracks, Tagum city, at isang Toyota Innova Wagon na may plate number LHB 910 na minamaneho ni Rodolfo Entela, 57, residente ng Poblacion Tagbira, Surigao del Sur.

Binabaybay umano ng nasabing multicab ang kahabaan ng National Highway galing ng Matalam papunta ng Poblacion, Kabacan ng aksidenteng mabangga sa isang Toyota Innova na nagresulta sa pagkasira sa likurang bahagi ng Toyota at pagkasira din ng unahan ng na bahagi ng nasabing multicab.

Samantala, isa pang vehicular accident rin ang naganap sa National Highway ng kabacan, partikular sa Corner Rizal Avenue at Jacinto St.

Sangkot dito ang isang motorise tricycle na may plate number XK 4710 at isang unit ng Toyota Hilux D4D na minamaneho ni Mohammed Ferced Bayan Ungkakay na residente ng Nayon sheriff, Kabunsuan, Cotabato City.

Isa sa kanila bigong makapag-presenta ng driver’s license habang patuloy namang iniimbestigahan ng Kabacan PNP ang nasabing pangyayari. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento