Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Swimming resort sa isang dati ay rebel-influenced area sa bayan ng Makilala, North Cotabato sentro na ng turismo


(Makilala, North Cotabato/May 14, 2012) ---Ang dating magulong barangay sa bayan ng Makilala, North Cotabato, ngayon sentro na ng turismo.
         
Ito ay matapos itayo sa Barangay Santo Nino – isa sa mga lugar na dati ay impluwensiyado ng armadong grupo, ang Haven’s View na isang swimming resort.
         
Ayon sa may-ari ng resort, noon lamang Disyembre nila binuksan sa publiko ang Haven’s View.

         
Agad dinayo ito ng mga residente ng Makilala at kalapit-bayan dahil sa kakaibang ganda nito.
         
Ang tubig sa kanilang swimming pool ay mula sa bukal na nasa bulubundukin ng Mount Apo – ang pinakamataas na bundok sa buong Pilipinas.
         
Ayon sa may-ari, hindi na isyu ang seguridad dahil kahit gabi puwede’ng maligo o manatili sa resort.
         
Suportado rin umano sila ng barangay council ng Santo Nino, lalo na sa usapin ng pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa resort.
         
Ang Haven’s View ay humigit kumulang 10 kilometro ang layo mula sa national highway ng Cotabato-Davao.
         
Nasa halos tuktok na ito ng bundok.
         
Bago marating ang resort ay dadaan sa mga bulubunduking bahagi ng Mount Apo kaya’t mas nagiging thrilling at exciting ang pagpunta rito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento