Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

18 mga OSY sa Kabacan; sumailalim sa Government Internship Program o GIP ng DSWD

(Kabacan, North Cotabato/May 14, 2012) ---Labin walong mga Out of School Youth dito sa Kabacan ang sumailalim ngayon sa programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na Government Internship Program o GIP.  

                   
Ayon kay Kabacan MSWD Officer Susan Macalipat, edad 18 hanggang 30 ang kwalipikado sa nasabing programa at karamihan sa mga ito ay drop –out sa eskwelahan.  
                          
Ang nasabing programa ng ahensiya ay kauna-unahang ipinapatupad ngayong taon sa buong bansa upang mabigyan ng trabaho ang mga OSY na mga indibidwal.  
                                       
Apat na mga programa ng DSWD ang tinututukan ng mga ito kabilang na ang: DAY CARE, Supplemental Feeding, nutrition at food for Work.

Tatanggap ang mga ito ng P260.00 kada araw sa loob ng 52 araw na internship na magtatapos sa buwan ng Hulyo. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento