(Alamada, North
Cotabato/May 13, 2012) ---Matapos ang biglaang pagtaas ng bilang ng mga taong
nais makita ang kagandahan ng Asik-asik spring falls sa Barangay Dado, Alamada,
nagsagawa ng workshop ang itinalagang TWG o technical working group upang
tukuyin ang mga problema at masolusyon kaagad sa lalong madaling panahon.
Isa sa naging sentro
ng pagpupulong ay ang hindi magandang kondisyon ng daan patungo sa mismong
lokasyon ng falls.
Kung kaya naman
inirerekomenda ngayon ng TWG na kung maari ay mapondohan ang pagsasa-ayos ng
kalsada patungo sa lugar.
Posible ring
ipatigil muna o magpatupad ng preventive closure sa pagpunta sa Asik- asik
upang maisagawa ang rehabilitasyon ng daan.
Pinag- usapan rin sa
workshop ang pamamalakad sa Asik asik Falls tourism project.
Ayon kay TWG Focal
Person and Executive Assistant to the Governor Ralph Ryan Rafael, magbibigay
umano ng subsidy ang provincial government sa lokal na pamahalaan sa loob ng
anim na buwan kaugnay sa operasyon ng turismo sa Asik- asik falls.
Dagdag ng opisyal, magtutulong-
tulong din ang lokal na pamahalaan at ang provincial government upang maisaayos
ang operational structure ng proyekto.
Ayon naman kay
Alamada Vice Mayor Toto Calibara, kahit pa man hindi mapigilan ang pagnanais ng
publiko na bisitahin ang Asik- asik, prayoridad pa rin umano ng lokal na
pamahalaan ang kaligtasan ng mga bibisita sa lugar.
Inaasahan rin sa mga
susunod na linggo ay mapaplansta na ang development plan at maipapaalam sa
publiko ang mga itinakdang polisiya kaugnay ng pagbisita sa Asik- asik.(Roderick
Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento