(Kidapawan city/May
12, 2012) ---Hinikayat ng mga kinatawan ng Agricultural Training Institute o
ATI ang bawat miyembro ng 4H Clubs sa
North Cotabato na ipa- insure ang mga alagang hayop.
Sa ginanap na
project assessment kahapon sa Kidapawan City, sinabi ni ATI- 12 Regional 4H
Club focal person May Guiang na dapat ay napa- insure ng mga benipisyaryo ang
kanilang mga alagang hayop na natanggap mula sa ATI Livelihood Assistance
Program.
Ito ay upang maging
handa sila kung saka- sakaling may hindi inaasahang mangyari sa kanilang mga
alagang hayop sanhi ng kalamidad o pag- atake ng sakit.
Ginawang halimbawa
ni Guiang ang naging karanasan ng Carabull 4H Club ng Barangay Patindeguen sa
Midsayap kung saan nakapag- claim ng insurance ang isang miyembro ng natukoy na
grupo matapos mamatay ang alagang kambing nito dahil sa sakit .
Dagdag ni Midsayap
Municipal 4H coordinator Jocelyn Falloran, sadyang napakalapit ng tanggapan ng
Phillipine Crop Insurance Corporation o PCIC upang ipa- insure ang mga
natanggap na hayop sa ilalim ng programa.
Matatagpuan sa
Midsayap, North Cotabato ang PCIC Regional Filed Office 12.
Kung matatandaan, sinimulan
ang implementasyon ng ATI Livelihood Assisted Projects noong 2009 at sa
kasalukuyan ay tuloy- tuloy ang assessment and monitoring ng ahensya sa mga
benepisyaryo sa buong SOCCKSARGEN. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento