(Alamada, North Cotabato) ---Marami na umano
ang napagaling ng tubig na galing sa Asik-asik Falls, ang bagong diskubreng
Spring Falls mula sa bayan ng Alamada.
Ito ayon sa ilang mga residente sa lugar na
nagpatotoo sa nasabing paniniwala.
Ayon kay Reynan Dequina, 32 isa sa mga
nakadiskubre rin ng nasabing falls may isa umanong matanda na mula sa Brgy.
Dado na maliban sa di ito makakalakad ng malayo ay marami itong sakit na
dinaramdam.
Kgd. Jun Miranda |
Matagal na umanong naririnig ng mga
residente sa lugar ang lagaslas ng tubig mula sa itaas ng bundok, subalit di
lamang umano iniinda ito ng ilang mga residente at katutubo sa lugar.
Subalit ng magkaroon ng malakas na hangin
nabuwal ang ilang mga malalaking puno ng kahoy na nakatabon sa asik-asik falls
dahilan kung bakit lumabas ang angking kagandahan ng spring falls.
Disyembre ng nakaraang taon, nadiskubre ng
isang opisyal ng brgy na si Kgd Jun Miranda ang kagandahan ng asik-asik falls
at agad din nitong inireport sa brgy hanggang sa umugong ang balita sa
kagandahan ng nasabing falls na nasa Sitio Dulao, Brgy. Dado, Alamada, North
Cotabato.
Mayor Bartolome Lataza |
Doon na at nagdagsaan ang maraming turistang
bumibisita lalo pa’t umani ito ng positibo at magagandang kumento makaraang
kumalat sa mga internet partikular na sa mga network sites ang kagandahan ng
asik-asik Falls.
Ayon naman kay Alamada Mayor Bartolome
Lataza, aksidente ang pagkakadiskubre ng nasabing Falls makaraang nagkaroon ng
malakas na baha at nabuwal ang mga wild bamboos na nakatabon sa bundok.
Bakit asik-asik Falls ang tawag?
Ang asik-asik ay isang ilonggo term na ang
ibig sabihin ay wisik.
Ayon kay Mayor Lataza, ito ang ipinangalan
sa nasabing Falls dahil parang wisik ang tubig nito mula sa taas ng bundok.
Samantala, “Panguranan” naman ang katumbas
na pangalan nito sa Muslim term.
Para kay Mayor Bartolome Lataza, ang
pagkakadiskubre ng Asik-asik Falls ay mensahe ng kagandahan ng kalikasan na ang
Diyos lamang ay may kakayahang gumawa.
Ito rin ang dahilan kung bakit suportado
ngayon ng LGU Alamada ang pag-develop ng Asik-asik Falls.
Ayon sa opisyal niluluto na nila ngayon sa
tulong ng Sangguniang bayan ang mga polisiya kung papaanu pa ma-protektahan ang
nasabing lugar.
Kaugnay nito may itinalaga ng Technical
Working Group si Cotabato Governor Emmylou Lala Taliño Mendoza upang mangasiwa
ng nasabing proyekto sa turismo sa lugar.
Sinabi naman ng alkalde na malaki ang naging
impak sa ekonomiya ng Alamada partikular na ng mga taga-Brgy. Dado dahil sa
abot sa daan-daang mga turista ang pumupunta sa lugar araw-araw.
Tumaas din ang kita ng mga motorista sa
brgy. Dado, ayon sa report kung dati abot lamang sa tatlong libu ang toll fee
na nasisingil nila ngayon dahil sa dagsaan ang mga tao na pumupunta sa
asik-asik falls sumampa na ito sa mahigit sa P20,000.00 sa isang araw.
Nito pa umanong 2010 ay sinimulan na ng
opisyal ang kanyang banner program na culture of peace upang maiwasan ang mga
gusot o girian sa mga naglalabang grupo sa lugar.
Mapapansin na rin ngayon ang mapayapang
lugar partikular na ang papunta ng asik-asik falls dahil sa programang
pangkapayapaan ng kasalukuyang alkalde na culture of peace sa lahat ng ahensiya
ng pamahalaan lalo na sa mga liblib na lugar ng Alamada.
Ayon sa punong ehekutibo ang asik-asik falls
ay mahigit sa 20 kilometro ang layo mula sa Poblacion ng Alamada at mga
habal-habal o di kaya’y malalaking sasakyan ang maaring masakyan papunta ng
Brgy. Dado, pero para marating ang mismong Falls kailangan pang lakarin ang
mahigit sa isang kilometro ang kabundukan ng Sitio Dulao sa Brgy. Dado.
Sa pangunguna ni Executive assistant to the
Governor Ralph Ryan “Raprap” Rafael, binisita ng mga lokal na mamamahayag sa
North Cotabato nitong Miyerkules ang asik-asik Falls upang lalo pang i-promote
ng mga media ang kagandahan ng asik-asik falls, isa sa pinakamagandang falls sa
South East Asia na makikita sa North Cotabato.
TWG: Ralph Ryan Rafael |
Intervention ng Technical Working Group
Sa ngayon ayon kay Rafael, na siya ring
focal person for Tourism, may inilaan ng pondo na abot sa P1.5M ang provincial
government bilang paunang pondo sa pag-sasaayos ng asik-asik falls.
Planu naman ng TWG na isara sa publiko ang
asik-asik falls simula Hunyo a-4 kasabay ng pasukan sa klase hanggang buwan ng
Agosto para maging tuloy-tuloy ang pagsasaayos ng lugar.
Bagama’t ayon sa opisyal ay hindi pa ito
aprubado sa Sangguniang bayan ng Alamada na siyang naglalatag ng polisya sa
lugar. (Rhoderick Beñez)