(USM, Kabacan, North Cotabato/May 15, 2012)
---Dapat umanong nakarehistro ang isang pampasaherong tricycle na may ruta o
biyahe sa loob ng University of Southern Mindanao Main Campus upang mabigyan ng
Driver’s ID at sticker na may logo ng USM.
Ito ayon kay USM Security Services
Management Director Orlando Forro at kapag walang sticker na nakapaskil ay
hindi nila papasukin.
Kaugnay nito, ipinagbabawal na rin nila ang
mga 2-stroke na mga motorsiklo na papasok sa loob ng USM simula ngayong araw
matapos ang mahabang ultimatum na itinakda ng USM.
Reklamo naman ng ilang mga pasahero,
partikular na ng mga estudyante ay ang pagtanggi ng ilang mga driver’s na
ihatid sila sa kanilang destinasyon kapag malayo na, na bagay namang binigyang
diin ng Director sa nasabing pagpupulong ng KALTODA na isinagawa sa loob ng USM
nitong Sabado.
Aniya, agad na iparating sa kanilang opisina
ang nasabing sumbong para mabigyan nila ng karampatang parusa.
Ginawa ng director ang hakbang dahil simula
ngayong pasukan ay magsisimula na ang klase mula ala 7:00 ng umaga hangang alas
7:00 ng gabi mula Lunes hanggang Huwebes na lamang.
Ipinagbabawal na rin ang pagsusuot ng
tsinelas sa tuwing mamamasada ang mga ito.
Nabatid na abot sa mahigit sa limang daang
libung mga tricycle ang bumibiyahe sa loob ng USM araw-araw, ayon sa opisyal. (Rhoderick
Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento