Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brigada Eskwela sa Division ng North Cotabato; aarangkada na!

(Kabacan, North Cotabato/May 15, 2012) ---Ngayong linggo na magsisimula ang Brigada Eskwela sa probinsiya ng North Cotabato, ito upang ihanda ang bawat paaralan para sa darating na pasukan.


Sinabi ni North Cotabato DepEd Supervisor Alfred Sagucam na magtulong-tulong sa nasabing gawain ang mga guro, magulang ng mga bata at iba pang organisasyon upang linisin ang paligid ng kanilang paaralan, pagkukumpuni ng mga upuan, paglalagay ng pintura at iba pa para maisaayos na ang eskwelahan sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo a-kwatro.

Kaugnay nito, inaasahang aabot sa 200,000 na mga bata sa mula kindergarten hanggang highschool ang balik eskwela sa buong division ng North Cotabato ngayong SY 2012-2013.

Bagaman walang pang opisyal na talaan ang DepEd Supervisor sa nasabing bilang, umaasa naman ang opisyal na madadagdagan pa ang nasabing bilang ng mga estudyante dahil sa ipapatupad na K+12 ng DepEd.

Dahil dito, lubos naman ang pasasalamat ni Sagucam sa lahat bilang suporta lalo na ng mga magulang at ng kagawaran ng Edukasyon dahil sa nagiging institusyon na ang nasabing “Brigada Eskwela” na malaking tulong para sa kanilang mga guro. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento