Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kalinisan sa Asik-asik falls, panatilihin- Local officials

(Alamada, North Cotabato/May 15, 2012) ---Hiniling ngayon ng mga lokal na opisyal ng bayan ng Alamada sa mga bumibisita sa Asik- asik falls na panatilihing malinis ang kapaligiran sa lugar.

Nakita ng mga opisyal na may mga pakalat-kalat na mga plastic wrappers at iba pang mga basura sa paligid ng Asik- asik falls. 

Hinihikayat naman ni Alamada Vice Mayor Toto Calibara ang mga grupong nagtutungo sa Asik-asik na maging responsable sa mga basura at huwag magkalat sa lugar upang mapanatili ang kagandahang angkin ng falls.

Kaugnay nito, naging ehemplo naman ang inisyatibong ginawa ng mga taga University of Southern Mindanao na kanya- kanyang bitbit ng kanilang mga cellophane bags na puno ng kanilang mga basura.
Sinabi ni Vilma Santos, isang guro mula sa USM at first time na nagtungo sa Asik- asik na sa simpleng paraang ito ay may magagawa sila upang mapanatili ang kalinisan ng lugar.

Noong Sabado, halos abot sa humigit kumulang isang libong tao ang tinatayang nagtungo sa Asik- asik.
Dahil sa angking ganda nito ay naging cover na rin ng isang national newspaper  kahapon  ang Asik- asik.

Sa kasalukyan, inaasahang mas lalo pang darami ang mga magtutungo sa lugar dahil sa popularidad nito.

Una nang inihayag ng mga kinatawan ng Asik Asik Falls Tourism Development Project technical working group na sa mga susunod na linggo ay ipapasara o pansamantalang ipatitigil muna ang pagbisita sa Asik- asik.

Ito ay upang ihanda ang lugar at maging ang mga mamamayan sa ginawang polisiya at regulasyon kaugnay sa pamamahala ng tourism activities dito.

Limang piso lang ang entrance fee sa Asik- asik na kung susumahin ay maaring hindi sapat upang kumuha ng mga taong maglilinis sa iniwang kalat ng mga taong nanggaling sa lugar (RRB)

1 komento:

  1. Hope that the development they will do will also benefit all of us and not the gov't ONLY.

    TumugonBurahin