Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 transmission tower ng NGCP sa Pikit, Cotabato binomba

(Pikit, North Cotabato/ October 10, 2015) ---Bumagsak ang dalawang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) makaraang pasabugin ng mga di pa nakilalang mga armadong grupo sa Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato alas 11:35 kagabi.

Ayon kay PInsp. Sindato Karim, pinuno ng Pikit PNP, nilagyan ng improvised explosive device (IED) na gawa sa bala ng 81mm at 60mm mortar ang Tower 44 at Tower 45 ng NGCP sa lugar.

Magsasaka, biktima ng panibagong pamamaril sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 9, 2015) ---Patay ang isang 45-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Sitio Aba Abpa, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 7:00 ng umaga kanina.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP ang biktima na si Rolando Ando Orzal, residente ng Brgy. Ugalingan, Carmen, North Cotabato.

P10K halaga ng Shabu nasamsam sa isang tulak droga

(North Cotabato/ October 6, 2015) ---Abot sa P10,000.00 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang tulak droga sa isinagawang buybust operation sa Brgy. New Panay, Esperanza sa lalawigan ng Sultan Kudarat alas 9:30 ng gabi nitong linggo.

Kinilala ni PSI Tirso Pascual, OIC ng Esperanza PNP ang suspek na si Randy Pagsisihan Dexter na residente ng nasabing lugar.

34-anyos, patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 6, 2015) ---Patay ang isang 34-anyos na lalaki sa panibagong insidente ng pamamaril sa roundball ng Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 9:00 kaninang umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Wendell Manubag Canadilla residente ng Digos City sa lalawigan ng Davao del Sur.

Agad namang tumakas ang suspek sa di malamang  direksiyon matapos ang insidente.

985 indibiwal nakinabang sa pinakahuling free medical-dental mission ng Cot IPHO

(Amas, Kidapawan City/ October 6, 2015) ---Abot sa bilang na 985 na mga indibidwal ang nabigyan ng libreng medical at dental service ng Cotabato Integrated Provincial Health Office o IPHO sa dalawang pinakahuling “Serbisyong Totoo” medical missions nito.

Ito ay sa Barangay Naje, Arakan, Cotabato noong Oct. 1, 2015 kung saan 439 ang nakinabang sa free medical checkup, 70 sa bunot ng ngipin at 22 batang lalaki ang tinuli.

Magsasaka, sekyu patay sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato

(North Cotabato/ October 5, 2015) ---Dalawa katao ang naiulat na namatay sa magkahiwalay na insidente ng krimen sa lalawigan ng North Cotabato, nitong weekend.
Kinilala ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP ang biktima na si Noel Biaong na taga brgy. Noa, Magpet.

Batay sa ulat, lulan ng motorsiklo ang biktima ng tambangan ng di pa nakilalang mga suspek at pinagbabaril.