Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 transmission tower ng NGCP sa Pikit, Cotabato binomba

(Pikit, North Cotabato/ October 10, 2015) ---Bumagsak ang dalawang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) makaraang pasabugin ng mga di pa nakilalang mga armadong grupo sa Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato alas 11:35 kagabi.

Ayon kay PInsp. Sindato Karim, pinuno ng Pikit PNP, nilagyan ng improvised explosive device (IED) na gawa sa bala ng 81mm at 60mm mortar ang Tower 44 at Tower 45 ng NGCP sa lugar.

Dahil sa lakas nang pagsabog bumagsak ang dalawang tore at nawalan ng suplay ng kuryente ang probinsya ng Cotabato, Maguindanao, lungsod ng Cotabato at Kidapawan City.

Marami ang naniniwala na posibleng kagagawan naman ito ng Alkhobar terror group.

Nagdulot din ng takot sa mga residente ang malakas na pagsabog hindi lamang kalayuan sa detachment ng Cafgu at mga sundalo.

Agad namang pinaalerto ni PSSupt. Alexander Tagum, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office ang kanyang mga tauhan upang tugisin ang mga responsable sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento