Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, biktima ng panibagong pamamaril sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 9, 2015) ---Patay ang isang 45-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Sitio Aba Abpa, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 7:00 ng umaga kanina.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP ang biktima na si Rolando Ando Orzal, residente ng Brgy. Ugalingan, Carmen, North Cotabato.

Batay sa ulat, tinatahak ng biktima ang National Highway buhat sa bayan ng Kabacan papuntang Carmen lulan ng kanyang kulay itim na KYMCO motorsiklo na walang plaka ng pagdating sa nasabing bisinidad ay pinagbabaril ng nakabuntot sa kanya na mga riding criminals.

Napag-alaman na ang mga suspek ay lulan ng Kawasaki Bajaj motorcycle.

Nang makitang bulagta ang biktima ay agad na tumakas ang mga suspek papuntang bayan ng Carmen.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likod ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa report na ipinarating sa DXVL news ni PI Maxim Peralta, ang head ng operation ng Kabacan PNP na kagabi bago nangyari ang insidente ay may umaaligid na Bajaj motorcycle sa paligid ng bahay ng biktima, ayon sa mga kamag-anak nito na nakapansin.

Sa ngayon nakahimlay ang bangkay ng biktima sa  Villa Jusa Funeral Homes habang ikinasa na nila ang dragnet operation upang tugisin ang suspek na responsable sa nasabing krimen.

Ito na ang ikalawang insidente ng pamamaril na nangyari sa bayan, ang una si Wendell Canadilla na binaril din sa bahagi n groundball ng Barangay Kayaga nitong Martes October 6 alas 9:00 ng umaga. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento