(Amas, Kidapawan City/ October 6, 2015) ---Abot
sa bilang na 985 na mga indibidwal ang nabigyan ng libreng medical at dental
service ng Cotabato Integrated Provincial Health Office o IPHO sa dalawang
pinakahuling “Serbisyong Totoo” medical missions nito.
Ito ay sa Barangay Naje, Arakan, Cotabato
noong Oct. 1, 2015 kung saan 439 ang nakinabang sa free medical checkup, 70 sa
bunot ng ngipin at 22 batang lalaki ang tinuli.
Sumunod dito ang Midsayap partikular sa
Southern Christian College o SCC noong Oct. 2, 2015 kung saan 356 ang
sumailalim sa free medical checkup at 70 sa free tooth extraction.
Maliban sa libreng serbisyong medikal at
dental, namahagi rin ng libreng gamot ang IPHO pati na bitamina sa mga
beneficiaries ng naturang aktibidad.
Ayon kay Gov Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza, kailangan ng mamamayan lalo na ang mga naninirahan sa mga
malalayo o liblib na barangay ang medikal na atensyon kung kaya’t pinag-iibayo
pa ng IPHO ang medical-dental missions nito.
Sinabi pa ng gobernadora na mahalaga ang
kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan upang matamo ang kaunlaran sa mga
pamayanan.
Kabilang naman sa mga nagsagawa ng
medical-dental mission sina Dr. Mary Jane Apusaga ng IPHO, Dr. Mary Joy Posada
ng Alamada Provincial Community Hospital at Dr. Rosario Pader ng Aleosan
District Hospital.
Sa hanay naman ng mga dentist ay kabilang
sina Dr. Editha Cagoco at Dr. Ma. Zita Villagonzalo ng IPHO.
Partner naman ng IPHO medical-dental team
sina Dr. Manuel Rabara, Presidente ng SCC Alumni Association at Dr. Myra Liza
Parcon sa aktibidad.
Ang Barangay Naje sa Arakan at SCC sa
Midsayap ay dalawa lamang sa maraming mga barangay o lugar na tinungo ng IPHO
upang magsagawa ng libreng medical checkup at dental service na naglalayong
maging malusog at ligtas sa sakit ang mga mamamayan sa ilalim ng adbokasiya ng
Serbisyong Totoo. (JIMMY STA. CRUZ-PGO
Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento