(Kabacan, North Cotabato/ March 5, 2014) ---Iba’t-ibang
uri ng paglabas sa batas trapiko ang naitala ng Kabacan Traffic Management Unit
mula noong buwan ng Pebrero hanggang sa kasalukuyan kasunod ng pagpapatupad ng
Municipal Ordinance 2013-008.
Sa panayam kahapon ng DXVL News kay Kabacan
Traffic Management Unit Head Retired Colonel Antonio Peralta,sinabi nito
na sila ay nakapagtala ng 38 kaso ng mga
kolurom na tricycle kabilang ang mga single na motorsiklo, 58 drayber na walang
kaukulang lisensiya, 55 expired registration at OR, at apat na tricycle na
lumabag sa color coding.
Paliwanag ni Peralta, kalimitan sa kanilang mga nahuli
ay walang kaukulang dokumento gaya ng drivers license, prangkisa, official
receipt at certificate of registration ng kanilang mga unit. Ang mga nahuling
unit ay panasamantala umanong naka-impound sa likod ng munisipyo.