(Kabacan, North Cotabato/ March 10, 2014)
---Patuloy ngayon ang panawagan ng militar sa publiko na makipagtulungan at magbigay
impormasyon sa kanila para malabanan ang insurhensiya sa bansa.
Ginawa ni 39th IB, PA civil
Military Officer 1st Lt. Aldrin Moral ang pahayag sa DXVL News
kahapon kasabay ng nangyaring pag-atake ng New People’s Army sa Davao del Sur
na ikinasawi ang anim na sundalo at dalawang pulis.
Aniya, ihinto na ang suporta sa mga
rebeldeng grupo na ayaw sa kapayapaan at ang nais lamang ay guluhin ang
mamamayan at ang pang-gobyerno.
Giit ni Moral na handa ang hanay nila na
protektahan ang taong bayan sa nasabing kaguluhan.
Panawagan din nito sa rebeldeng grupo na
magbalik na sa gobyerno at may mga programang inilaan ang pamahalaan para
makapamuhay ng tahimik ang mga ito at makasama ang kanilang pamilya. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento