(Kabacan, North Cotabato/ March 7, 2014) ---Umaangal
na ngayon ang ilang mga power consumers sa bayan ng Kabacan, particular na ang
mga nasa business sector, academe at lahat ng mga naapektuhang mga residente sa
walang humpay na power interruption.
Anila, naapektuhan ng malaki ang kanilang
negosyo at maging ang transaksiyon sa ilang mga opisina dahil sa kawalan ng
kuryente.
Ayon nga sa isang estudyante ng USM na
kinilala sa pangalang Josh Roales 1st year pharmacy naapektuhan na diumano siya
gaya ngayong papalapit na ang finals at
maraming paper works na ginagawa at naaantala.
Voice clip
Tinig ng ilang konsumedures ng Cotabato
Electric Cooperative sa bayan ng Kabacan.
Konektado ka sa mga balita, USM Devcom
Intern Karen Claire Campollo, DXVL NEWS --
Karen Claire Reyes Campollo
3/3, 10:08pm
Karen Claire Reyes Campollo
Inter Faith Prayer rally, isinagawa sa USM
Nagsagawa ng InterFaith Prayer rally ang
ilang grupo ng mga Kabataan sa USM,kahapon bandang alas 5 sa harap ng USM admin
Building, pinagunahan nga ito ng grupong Anak Bayan USM chapter, Stand USM, LFS
at Liga ng mga Kabataang Moro.
Sa panayam ng DXVL kahapon kay Stand-USM
chairman at Anak-bayan USM chapter spokeperson Raymund Reyes layunin ng grupo
nila na ikondena ang mga pambobomba at panununog diumano sa pamantasan.
Dagdag pahayag pa niya ang programa nilang
ito ay magpapatuloy upang maisulong ang mapayapa at matiwasay na USM.
VOICE CLIP
Tinig ni STAND –USM chairman at Anak- Bayan
USM chapter spokeperson Raymund Reyes.
Konektado ka sa mga balita mula sa USM- USM
Devcom Intern, Karen Claire Campollo, DXVL NEWS --
March 6
Karen Claire Reyes Campollo
3/6, 10:19pm
Karen Claire Reyes Campollo
Nakaw motorsiklo sa Kabacan, Cotabato
Pinaniniwalaang ninakaw ang isang Honda XRM
na motorsiklo, kulay itim, na may plakang 5403MZ sa labas ng Waterland resort,
Brgy. Osias Kabacan, Cotabato.
Ang nasabing motorsiklo ay pinagmamaneho ng
isang Pangundat Sali,35 anyos at residente ng Pagagawan, Maguindanao, at
nakarehistro sa pangalan ni Normida Paniales.
Base sa record ng Kabacan PNP, nakaparada
diumano ang naturang motorsiklo sa labas ng nasabing establisyemento at nang
balikan nila ay nawawala na.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon
na ginagawa ng pulisya.
Konektado ka sa mga balita mula sa
Kabacan-PNP, USM Devcom Intern, Karen Claire Campollo, DXVL NEWS--
Sunday
Karen Claire Reyes Campollo
3/9, 9:48pm
Karen Claire Reyes Campollo
Lalaki huli sa poder ang shabu
Isang lalaki huli matapos makuha at
matagpuan sa poder nito ang white crystalline
substance na pinaghihinalalang shabu, kinilala sa pangalang Roger Amante
Dilawangan, 31 anyos , residente ng Nocosi Brgy. Kilada Matalam, Cotabato at
empleyado ng LGU-Pikit, Cotabato.
Base sa record, Alas 7 kamakalawa ng gabi
katuwang ng pinagsamang pwersa ng Kabacan PNP at Philippine Army 7IB na pinangunahan ni P.Inspector Rommel Hitala
natagpuan sa poder ni Dilawangan ang 5
heat sealed transparent plastics sachet na naglalaman ng Crystalline
substance na pinaniniwalaang Metamphitamine Hydro Chloride o mas kilala sa
tawag na shabu, 2 piraso ng Disposable lighter at isang plastic container.
Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya
ang lalaki kasama ng kanyang minamanehong motorsiklo na Kawasaki bajaj 110,
kulay pula, may plakang 8957 MY na nakarehistro sa pangalan ni Sanny Salipada.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng pulisya
ang insidente at maaaring maharap si Dilawangan sa Kasong Violation of RA 9165,
campaign against Illegal Drugs.
Konektado ka sa maga balita mula sa Kabacan
PNP, USM DEVCOM INTERN Karen Claire Campollo, DXVL NEWS --
0 comments:
Mag-post ng isang Komento