(Kabacan, North Cotabato/ March 10, 2014)
---Umaapela ngayon si Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas sa mga guro at
mag-aaral na maging matapat sa gagawing National Achievement Test o NAT.
Ginawa ni Obas ang pahayag sa DXVL News kahapon kasabay ng
gagawing National Achievement Test o NAT ng mga mag-aaral sa grade Three
ngayong araw habang sa araw naman ng Huwebes ang NAT ng grade six.
Nananawagan din ito sa mga guro na
magka-conduct ng pagsusulit na panatilihin ang integredad upang ang totoong
achievement ng mga mag-aaral ang lalabas na resulta sa gagawing NAT sa DepEd
North Cotabato.
Samantala suportado din nito ang panawagan
ng DEpEd region 12 na gagawing simple lamang ang graduation rites ng mga
mag-aaral.
Aniya, naka schedule na ang graduation sa
March 27-28 habang mayroon din naman na magsasagawa ng graduation sa March 29
para naman sa mga remote area o mga malalayong paaralan upang mapuntahan ng mga
supervisors. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento