Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan River Irrigation System, tumanggap ng iba’t-ibang parangal

(Kabacan, North Cotabato/March 13, 2014) ---Itinanghal bilang outstanding IA based on Functionality Survey Rating ang Bayaning Magsasaka IA na nakakuha ng 99.79% sa isinagawang kauna-unahang NIA-IA-LGU day na isinagawa sa NIA-KAbacan RIS Compound, Katidtuan, Kabacan, Cotabato kamakalawa.

Ang plake ay tinanggap ng top performing Irrigators association sa pamumuno ni Ret. Col Bienvenido Flores kungsaan nakuha din nila ang highest ISF Collection.


Kapareho ding parangal ang iginawad sa Mannalon Iti Abagatan IA na may 98.77% sa ilalim ng pamumuno ni Larry Nimer.

Sa kategoryang very satisfactory IA na batay sa Functionality Survey Rating nakuha naman ng Kabris Division C IA 92.78% sa ilalim ng pamumuno ni IA President Flordelino Pascua.

90.84% naman ang nakuha ng Narang-ay Ti Amianan IA sa ilalim ng kanilang IA Pres. Remegio Alejo.

Ang Kilagasan Poblacion Magatos o KPM IA ay nakakuha naman ng 89.30% sa pangunguna ni IA Pres. Jaime Manuel.

Kabris Division E IA sa pamumuno ni Noel Esteban at Kimali IA sa pangunguna ni IA Pres. Suelo Gevero ay itinanghal na improved IA based on ISF Collection.

Ang parangal ay iginawad ng mga lokal na opisyal kasama ang NIA Region 12 at ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento