Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Paglalagay ng Peace Keeping Force sa nangyaring kaguluhan sa isang Barangay sa Kidapawan city, di pang matagalang solusyon -LMT

(Amas, Kidapawan City/ March 10, 2014) ---Muling sumiklab ng panibagong kaguluhan sa  Sitio Nazareth, Barangay Amas, North Cotabato nitong weekend.

Sa panayam ng DXVL News kay City Disaster Risk Reduction Officer Psalmer Bernarte muling nagkapalitan ng putok ang magkalabang armadong grupo sa pinag-aawayang lupa ng gobyerno na pag-mamay-ari ng CEMIARC.


Aniya, maging ang mga miyembro City Disaster Risk and Reduction Management Council ay pinaputukan nang magpunta ang mga ito upang alamin ang kalagayan ng mga residente.

Samantala sa hiwalay na interbyu ng DXVL News kahapon kay Local Monitoring Team Jabib Guiabar na ang paglalagay ng Peace Keeping Action Force sa lugar ay hindi pangmatagalang solusyon bagkus, giit nitong band aide lamang ito.


Aminado rin ang opisyal na hindi kakayanin ng puwersa ng PNP ang pagbabantay sa lugar at ilang beses na ring nagkaroon ng pagpupulong doon ang city government, local monitoring team ng MILF at mga opisyal ng barangay Patadon at Barangay Amas subalit pangunahing suliranin pa rin ang pagkakaroon ng armas ng ilan sa mga residente ng Sitio Nazareth. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento