Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP may apat bagong PNP personnel

(Kabacan, North Cotabato/ March 12, 2014) ---Iprenesinta kahapon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ni PCInps. Jubernadine Panes ang deputy Chief of Police ng Kabacan PNP ang apat na bagong talagang police personnel ng Kabacan.

Sa isinagawang courtesy call, sinabi ng alkalde na suportado nito ang kapulisan ng bayan para sa pagmamantina ng katahimikan at kapayapaan sa bayan ng Kabacan.


Ang dagdag na pwersa ng PNP ay bahagi ng hakbang ni Mayor Guzman na pababain ang kriminalidad sa Kabacan at sa tulong na rin ng mamamayan.

Sinabi naman ni Panes na karamihan sa mga biktima at suspek sa mga kriminalidad sa Kabacan ay hindi residente ng bayan.


Kaugnay nito, pinaplantsa na ng kapulisan sa tulong ng mga sundalo, BPAT, tanod at mga force multipliers ang gagawing choke point nila sa posibleng lagusan ng mga riding tandem na mga suspek na responsable sa nakawan ng motorsiklo, pamamaril at iba pang krimen. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento