Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mayor Herlo Guzman, suportado ang mga programa ng Kabacan River Irrigation System

(Kabacan, North Cotabato/ March 11, 2014) ---Pormal ng nilagdaan ng ilang mga lokal na opisyal kasama si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang Memorandum of Agreement na nagpapatibay ng suporta ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa mga programa ng Kabacan River Irrigation System.
Ang lagdaan ay isinagawa sa NIA Kabacan RIS Compound, Katidtuan, Kabacan, Cotabato kaninang umaga.

Sa kanyang mensahe, iginiit ni Mayor Guzman na isangdaan at sampung porsientong ang ibibigay nitong suporta sa nasabing ahensiya.


Lubos naman ang pasasalamat ng mga kasapi ng Irrigators Association sa nasabing programa kungsaan ito ang kauna-unahang NIA-IA-LGU Day kungsaan nakasentro ang tema sa “Sa nagkakaisa at nagtutulungang NIA-IA-LGU/BLGU, serbisyo sa mga magsasakay ay mapag-iibayo.

Ang programa ay dinaluhan ng mga representante ni Cotabato Gov. Lala Mendoza, 3rd District Rep. Ping-ping Tejada.

Sinabi naman ni Acting RIM, NIA region 12 Engr. Ali Atol na lubos ang kanyang pasasalamat sa mga magsasaka dahil kung wala ang mga ito ay wala ding makakain ang mga tao sa buong mundo.


Kabilang din sa mga dumalo sa programa kaninang umaga ay sina Division Manager A, CIMO Engr. C’zar Sulaik, Principal Engineer A, KABRIS Engr. Orlando Labarinto mga punong barangay kasama si Poblacion Kapitan Mike Remulta, mga IA members at mga magsasaka.  Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento