(Kabacan, North Cotabato/ March 5, 2014) ---Iba’t-ibang
uri ng paglabas sa batas trapiko ang naitala ng Kabacan Traffic Management Unit
mula noong buwan ng Pebrero hanggang sa kasalukuyan kasunod ng pagpapatupad ng
Municipal Ordinance 2013-008.
Sa panayam kahapon ng DXVL News kay Kabacan
Traffic Management Unit Head Retired Colonel Antonio Peralta,sinabi nito
na sila ay nakapagtala ng 38 kaso ng mga
kolurom na tricycle kabilang ang mga single na motorsiklo, 58 drayber na walang
kaukulang lisensiya, 55 expired registration at OR, at apat na tricycle na
lumabag sa color coding.
Paliwanag ni Peralta, kalimitan sa kanilang mga nahuli
ay walang kaukulang dokumento gaya ng drivers license, prangkisa, official
receipt at certificate of registration ng kanilang mga unit. Ang mga nahuling
unit ay panasamantala umanong naka-impound sa likod ng munisipyo.
Aniya, madali lang naman umanong ma-claim ng
mga may ari ang mga naka-impound na
tricycle at motorsiklo dahil kinakilangan lang nilang i-presenta sa mga
otoridad ang kaukulang dokumento na hihingiin sa kanila.
Pinaliwanag naman ni Peralta na ang kanyang
grupo ay meroong karapatang huliin ang sinumang lalabag sa batas trapiko
sapagkat sila ay Deputized Regional Land Transportations Office o LTO personnel
na may kaukulang pahintulot.
Binigyaan diin ng opisyal na ang
implementasyon ng one-way sa mga pangunahing lansangan ng Kabacan tulad ng USM
Avenue ay epektibo sa loob ng 24 oras ngunit meroon umanong lumalabag nito lalo
na sa gabi kung saan walang nakatalagang traffic enforcer.
Sa kanyang panghuling mensahe, nanawagan si
Peralta sa publiko na sundin ang mga batas trapiko sapagkat ito ay ginawa para
sundin ng mga tao at hindi para sumunod sa kagustuhan ng bawat indibidwal. Abdullah Matucan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento