(Kabacan, North Cotabato/ March 6, 2014) ---Makakaranas
pa rin ng load curtailment ang service area ng Cotelco ayon kay Cotelco Manager
Godofredo Homez.
Sa panayam sa kanya ng DXVL, 1 hanggang 2
oras diumano mararanasang mag brown.out ito ay bunsod pa rin ng kakulangan ng
supply ng kuryente.
Ani Homez, nagkukulang ng 4 hanggang 5
megawatts tayo sa ngayon.
March 2
Karen Claire Reyes Campollo
3/2, 8:37pm
Karen Claire Reyes Campollo
8.8 ektarya ng Rubber binalak sunugin
Pinaghihinalaang balak sunugin ang 8.8
ektaryang pananim na Rubber, kamakalawa ng hapon bandang alas 2:10 sa Sitio
Colaman, Barangay Bannawag Kabacan Cotabato.
Base sa record ng Kabacan PNP, naagapan
diumano ang naturang apoy nang mapansin ng nag mi-maintain na kinilala sa
pangalang Alejandro Gabano, 48 anyos, may asawa at residente ng nasabing
Barangay.
Ang nasabing Rubber Craft ay pagmamay-ari ni
Major Wendyle Guilaman na isang Marines.
Naapula naman agad ang apoy sa tulong na rin
ng mga kapitbahay.
Konektado ka sa mga balita mula sa Kabacan
PNP- USM DevCom Intern Karen Claire Caampollo, DXVL NEWS !
0 comments:
Mag-post ng isang Komento