Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 patay sa pananambang

(Sultan Kudarat/ April 18, 2015) ---Tatlong kawani ng logging firm ang napatay makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army kahapon ng umaga sa bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat Province.


Kinilala ang mga biktima na sina Edgardo Valenzuela, 62, area supervisor ng M&S Logging company; Rolando Toledo, 28;  company guard at ang driver na si Nel Anthony Perrezana.

Halaga ng pinsalang dulot ng dry-spell sa bayan ng Kabacan, umaabot sa P50 milyon

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 17, 2015) ---Umaabot na ng halos Limapung milyung piso halaga ang naitalang danyos sa agrikultura sa Bayan ng Kabacan, simula ng manalasa ang taagtuyot hanggang sa kasalukuyan .

Ayon kay Municipal Agriculture Office Agricultural Technologist Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL news, umaabot na sa 5,849 na ektarya ng mga agricultural crops at 4,000 na magsasaka ang apektado ng El nino phenomenon.

27 kabahayan napinsala matapos tamaan ng Ipo-ipo sa bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 17, 2015) ---Humihingi ngayon ng dagdag na tulong ang Kabacan Municipal Social Welfare and Development Office sa publiko para sa mga pamilyang nabiktima ng Ipu-ipo sa Brgy. Magatos, Kabacan, noong nakaraang ng linggo.

Ayon kay Kabacan MSWDO Disaster Focal Person Latip Akmad, nasa 27 mga bahay ang napinsala ng Ipu-ipo kung saan 14 sa mga ito ay totally damamaged at 13 naman ang partially damaged.

Kabacan PNP may panawagan sa mga security agency at iba’t ibang establisyemento sa Kabacan, Cotabato

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 17, 2015) ---Nanawagan ang Kabacan PNP sa mga security agency at iba’t ibang establisyemento sa Kabacan Cotabato na disiplinahin ang mga tauhang security guards.

Sinabi ni PSI Ronnie Batuampo Cordero OIC hepe ng Kabacan PNP, dapat i-orrient ng mga security agency ang kanilang tauhan na huwag pumunta sa mga inuman tulad ng video-K house lalo na sa oras ng duty at huwag magdala ng baril.

Presyo ng mga gulay at luya sa Kabacan Public Market, tumaas!

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 17, 2015) ---Halos triple ang itinaas ng presyo ng gulay bunga ng naranasang dry spell sa Kabacan Public Market.

Ayon kay Jainarazul Atih, isa sa may ari ng gulayan sa Public Market ng bayan, halos lahat ng presyo ng gulay ang tumaas simula ng pumasok ang tag tuyot maliban lamang sa gulay na patatas.

Government Internship Program, sinimulan na!

(Midsayap, North Cotabato/ April 17, 2015) ---Sinimulan na ang pagtanggap ng mga aplikante sa Government Internship Program sa unang distrito ng North Cotabato.

Kaugnay nito, pinaalalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) North Cotabato Field Office ang mga interesadong aplikante na makipag-ugnayan lamang sa North Cotabato 1st Congressional District Office na kanilang partner agency para sa mga requirements na kinakailangang isumite.

Lalaking nanutok ng kutsilyo, kalaboso!

(Magpet, North Cotabato/ April 16, 2015) ---Arestado ang isang lalaki na sinasabing may warrant of arrest sa paglabag sa Republic Act 9165 sa Regional Trial Court Branch 18 sa Pagadian City gamit ang pangalang Edgar Etorma Dela Cruz sa bahagi ng Sitio Pidlanan, Magkaalam, Magpet, dakong alas 12:45 kahapon ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Jun del Carmen Jr., na sinasabing nanutok rin ng baril kay Gema Tuario, 41-anyos na taga Barangay Noa ng bayan.

2 guwardiya, huli sa isinagawang kapkap bakal

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 16, 2015) ---Huli ang dalawang guwardiya ng isang superstore sa ginawang Oplan Kap-kap Bakal na ikinasa ng Kabacan PNP sa ELCID video-K house USM Avenue Kabacan Cotabato kaninang alas 12:20 ng madaling araw. 

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero ang mga suspek na sina Jackson Gabayan Beda, 21 anyos, binata at residente ng Brgy. Malanduage, Kabacan, Cot. at Rafael Ramos Barbero, 27 anyos, binata at residente ng Brgy New Abra, Matalam, Cotabato.

Mindanao Development Authority, suportado ang BBL

“Pangkalahatan at Pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao”

Ito umano ang isinusulong ng Mindanao Development Authority alinsunod sa Peace and Development Framework simula pa ng maitatag ang MinDA sa bisa ng RA 9996 na ipinasa noon pang taong 2010.

Ayon kay MinDA Region 12 Director III Romeo Montenegro sa panayam ng DXVL News.

Tri-Boundary conflict, tinututukan ng DAR

(Tulunan, North Cotabato/ April 15, 2015) ---Nagkaroon na ng pagpupulong ang pamunuan ng LGU Columbio, Sultan Kudarat, at LGU Tulunan, North Cotabato kasama ang Department of Agrarian Reform Region 12 upang masolusyunan ang nangyayaring agawan sa lupa sa boundary ng dalawang bayan.

Ayon kay DXVL Tulunan News Correspondent Joel Dublado, kasalukuyan na ngayong pinaplano ang work-plan upang malaman ang punot dulo ng nasabing agawan sa lupa sa dalawang bayan at magkaroon ng pangmatagalang solusyon sa promlema upang matuldukan na ito.

P.5B halaga ng pinsala ng dry spell sa North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 15, 2015) ---Umaabot na sa mahigit kalahating bilyong piso ang napinsala sa mga Agricultural Crops bunga ng nararanasang dry spell sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ayon kay North Cotabato Provincial Agriculturist Engr. Eliseo Mangliwan sa panayam ng DXVL News.

Brgy. Kagawad, pinatay ng kabaro!

(Maguindanao/ April 15, 2015) ---Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang isang barangay kagawad matapos barilin ang kapwa barangay kagawad sa sito Labo, brgy. Ibotigen Sultan Kudarat, Maguindandao.

Kinilala ni Sultan Kudarat PNP Commnder Sr. Ins. Esmael Madin ang suspek na si Brgy. Nara Kagawad Nasser Guiaber Dayon habang ang biktima naman na sariling pinsan nito ay si Brgy Ibotigen Kagawad Tato Dayon, 56 anyos.

Magsasaka, itinumba!

(North Cotabato/ April 15, 2015) ---Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng di nakikilalang suspek sa National Highway ng Barangay Bialong, Mlang, sa lalawigan ng North Cotabato.

Kinilala ng Mlang PNP ang biktima na si Larry Lorca, taga Purok 7, Barangay Libuo, Mlang, North Cotabato.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bumibyahe si Lorca sakay ng kanyang multicab sinundan ng mga naka motorsiklong mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Mindanao Rail Way System, pinag-aaralan pa- MinDA

(Kabacan, North Cotabato/ April 15, 2015) ---Patuloy pa ngayong ginagawan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng Mindanao Rail Way System sa Mindanao.

Ayon kay MinDA Director III Romeo Montenegro sa panayam ng DXVL News, matagal na umanong inirekomenda ng ibat-ibang grupo ang nasabing proyekto.

Mga residente ng Kabacan, nagtataka sa paglabasan ng maraming isda

(Kabacan, North Cotabato/ April 15, 2015) ---Nagtataka ngayon ang ilang mga residente sa bayan ng Kabacan particular sa brgy. Aringay matapos na mag-silabasan ang maraming isda sa ilog.

Nagkagulo ang maraming mga residente kaninang umaga sa bahagi ng tuloy ng Aringay dahil sa dami ng isda.

Ang iba naman ay agad na lumusong sa tubig at nanguha ng isda gamit ang fish net at mga kahoy ng madatnan ng DXVL News team kaninang umaga.

Barangay Kagawad, kalaboso

(Maguindanao, April 15, 2015) ---Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isang brgy.  kagawad matapos mahuli sa isinagawang drug buys bust operation ng pinagsanib na pwersa ng 33rd IB at PDEA-ARMM sa Sitio Bilibiran, Datu Abdula Sangki, Maguindanao.

Ang suspek ay kinilalang si Brgy. Maganding Kagawad Norodin Kasan Sangki alias Datu Nouri Sangki na itinuturing na high value target.

OPVET Namahagi ng mga Farm Animals sa mga Bayan ng Alamada at Midsayap

By: Ruel Villanueva
         
(Kabacan, North Cotabato/ April 14, 2015) ---Abot sa 46 na mga magsasaka sa bayan ng Alamada at 34 sa bayan ng Midsayap ang napagkalooban ng kalabaw at baka mula sa Office of the Provincial Veterinarian kamakailan lamang (3/19-20/15).
         
Ayon kay Dr. Rufino C. Sorupia, ang Provincial Veterinarian, nagmula sa iba’t-ibang mga Barangay ng Alamada ang mga recipients na kinabibilangan ng Bao, Kitacubong, Mapurok, Paruayan, Pigcawaran, Polayagan at Upper Dado na kung saan abot sa 24 na baka at 22 na kalabaw ang naipamahagi.

Pagbalik ng serbisyo ng kuryente sa mga Street lights sa Brgy. Poblacion, Kabacan tiniyak ng alkalde

(Kabacan, North Cotabato/ April 14, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang negosasyon ng Kabacan LGU sa Cotabato Electric Cooperative o Cotelco hinggil sa muling pagbabalik ng serbisyo ng Street Lights na naputulan dahil sa utang.

Ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman sa panayam ng DXVL, kanya nang inatasan si Municipal Administrator Ben Guzman upang makipag-ugnayan sa pamunuan ng Cotelco upang mas mapabilis ang pagbabalik ng ilaw sa mga steet lights sa Brgy. Poblacion ng bayan sa lalong madaling panahon.

Ipo-ipo nanalasa sa bayan ng Mlang, mga istruktura at mga pananim, matinding napinsala

By: Mark Anthony Pispis

(Mlang, North Cotabato/ April 14, 2015) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng LGU ng Mlang ang kabuuang halaga ng danyos na iniwan makaraang manalasa ang Ipo-ipo na sumalanta sa bayan ng Mlang dakung alas 4:15 ng hapun kamakalawa.

Sa panayam kay Mlang Mayor Joselito Piñol sa panayam ng DXVL News Team, napinsala umano ng nasabing Ipo-ipo ang 15 mga kabahayan sa Brgy. Buayan kasama narin ang mga puno ng saging at iba pang agricultural crops.

150MW na supply ng kuryente, inaasahang papasok sa Mindanao Grid -MINDA

(Kabacan, North Cotabato/ April 14, 2015) ---Bagamat papasok ang 150 megawatts na supply ng kuryente sa Mindanao Grid na manggagaling sa Therma South Incorporated.

Mayaasahan pa rin umanong load curtailment sa Mindanao dahil pa rin sa walang reserba ang supply ng kuryente sa kasalukuyan.

Ito ayon kay MinDA Director III Romeo Montenegro sa panayam ng DXVL News, ito ay dahil sa patuloy na nararanasang tag-tuyot at dahil na rin sa panahon ng summer.

BIFF Commander Kato dedo sa stroke

(Maguindanao/ April 15, 2015) ---Patay na ang kilabot na founder ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos itong  ma-stroke  sa kanilang hideout sa bulubunduking bahagi ng Barangay Bagan, bayan ng Guindulu­ngan, Maguindanao kahapon ng madaling araw.

Base sa nakalap na impor­masyon ng intelligence opera­tives, dakong alas-2 ng mada­ling araw ng mamatay si BIFF founder Al-Ustaj Amiril Umbra Kato na dumaranas ng mga kumplikasyon sa kaniyang sakit.

Convoy ng militar, pinasabugan!

(Maguindanao/ April 14, 2015) ---Nanatiling naka alerto ang 6th ID Philippine Army matapos pasabugan ng pinaniniwalaang miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers o BIFF ang  convoy ng militar sa Sitio Lining, Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Ayon kay 6ID Divison Public Affairs Office Chief Captain Joanne Petinglay papunta sana ang 21st Mechanized Company sa kanilang Headquarters sa Barangay Bagan, Guindulungan nang sumabog ang isang Improvised Explosive Device o IED sa dinadaanan ng mga ito.

Barangay Kagawad, kalaboso

(North Cotabato/ April 14, 2015) ---Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isang brgy.  kagawad matapos mahuli sa isinagawang drug buys bust operation ng pinagsanib na pwersa ng 33rd IB at PDEA-ARMM sa Sitio Bilibiran, Datu Abdula Sangki, Maguindanao.

Ang suspek ay kinilalang si Brgy. Maganding Kagawad Norodin Kasan Sangki alias Datu Nouri Sangki na itinuturing na high value target.

OPVET Namahagi ng mga Farm Animals sa mga Bayan ng Alamada at Midsayap

By: Ruel Villanueva
         
(Amas, Kidapawan city/ April 14, 2015) ---Abot sa 46 na mga magsasaka sa bayan ng Alamada at 34 sa bayan ng Midsayap ang napagkalooban ng kalabaw at baka mula sa Office of the Provincial Veterinarian kamakailan lamang (3/19-20/15).
         
Ayon kay Dr. Rufino C. Sorupia, ang Provincial Veterinarian, nagmula sa iba’t-ibang mga Barangay ng Alamada ang mga recipients na kinabibilangan ng Bao, Kitacubong, Mapurok, Paruayan, Pigcawaran, Polayagan at Upper Dado na kung saan abot sa 24 na baka at 22 na kalabaw ang naipamahagi.
         

Dahil sa selos, estudyante pinaslang

(North Cotabato/ April 13, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 19-anyos na estudyante makaraang pagbabarilin sa bisinidad ng brgy. Bucana, Cotabato City, Maguindanao alas 5:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ng hepe ng Police Precinct # 4 na si Sr. Insp.Alex Lanistosa ang biktima na si Muamar Panda Usman 19 anyos at estudyante ng STI sa lungsod ng Cotabato.

200 kabataan magtatrabaho bilang mga SPES beneficiaries sa kapitolyo

(Amas, Kidapawan city/ April 13, 2015) ---Abot sa 200 na mga kabataan edad 16-25 ang matagumpay na nakapasa bilang mga Special Program for the Employment of Students o SPES sa iba’t-ibang departamento sa Provincial Capitol ng Cotabato at mga government hospitals sa lalawigan.

Ayon kay Provincial Human Resource Management Office Head Aurora P. Garcia, magkakaroon ng orientation at briefing para sa mga SPES beneficiaries sa Capitol Rooftop sa Lunes, April 13, 2015 ganap na 8:30AM.

Cot Provincial Hospital 2nd Placer sa Gawad Kalasag 2015

AMAS, Kidapawan City (April 13) – Nagwagi ang Cotabato Provincial Hospital o CPH ang 2nd Place sa National Search for Gawad Kalasag 2015 – Provincial Hospital Category.

Ginanap ang awarding ceremony sa General Santos City noong March 31, 2015. 

Si Cot Provincial Planning and Development Office o PPDO OIC at Provincial Risk Reduction and Management Operations Center o PDRRMOC Action Officer Cynthia Ortega ang tumanggap ng parangal kasama si 2nd District of Cot Board Member Noel S. Baynosa Jr.

Bayan ng Kabacan nakatanggap ng 5.9 milyong tseke para sa Produktong pang agrikultura mula sa Department of Agriculture

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 13, 2015) ---Nakatanggap ng tseke na nagkakahalaga ng lima punto siyam na milyong piso ang LGU Kabacan mula sa Department of Agriculture para sa proyektong pang agrikultura.

291 unit ng solar panels, ipinamahagi ng LGU sa isang malayong brgy ng Kabacan

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 13, 2015) ---Labis na pasasalamat ang ipinapaabot ng punong barangay ng Tamped sa pamunuan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., dahil sa ibinahagi nitong 291 units na solar light panels proyekto sa nasabing brgy.

Sinabi ni Mayor Guzman na mabiyayaan sa nasabing proyekto ang anim na sitios ng Brgy. Tamped kungsaan makikinabang ditto ang 291 na mga pamilya.

Habal-habal drayber, patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 13, 2015) ---Patay ang isang habal-habal drayber makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa panibagong krimen na sumiklab sa Purok Santan 2, brgy. Marbel, Matalam, Cotabato alas 6:40 kagabi.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Sammy Naga Angeles, 57-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

4 na taong gulang na bata, patay matapos tamaan ng dengue

(Carmen, North Cotabato/ April 12, 2015) ---Patay ang isang apat na taong gulang na batang babae makaraang tamaan ng sakit na dengue.

Sa impormasyong nakuha ng DXVL News sa mismong tiyahin ng biktima na si Aprylle Joy Trance, binawian ng buhay si Karla nitong Sabado alas 10:00 ng gabi.

Milyung halaga ng Ari-arian, tinupok ng apoy!

(Maguindanao/ April 12, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa isang palengke at nasa daang kabahayan sa Datu Paglas, Maguindanao nitong Biyernes ng gabi.

Napag-alaman na abot sa milyong halaga ang naabo makaraang masunog.