(Amas, Kidapawan city/ April 13, 2015) ---Abot
sa 200 na mga kabataan edad 16-25 ang matagumpay na nakapasa bilang mga Special
Program for the Employment of Students o SPES sa iba’t-ibang departamento sa
Provincial Capitol ng Cotabato at mga government hospitals sa lalawigan.
Ayon kay Provincial Human Resource
Management Office Head Aurora P. Garcia, magkakaroon ng orientation at briefing
para sa mga SPES beneficiaries sa Capitol Rooftop sa Lunes, April 13, 2015
ganap na 8:30AM.
Sinabi ni Garcia na matapos maitalaga ang
200 na mga SPES beneficiaries sa iba’t-ibang opisina ay agad din silang magsisimula
sa kanilang mga trabaho mula Apr. 13-May 16, 2015 o humigit-kumulang sa 45
araw.
Nagmula naman ang mga beneficisiaries sa
iba’t-ibang munisipyo tulad ng M’lang, Makilala, Tulunan, Carmen, Magpet,
President Roxas, Antipas, Arakan, Matalam, Kabacan, Pikit, Midsayap, Libungan,
Pigcawayan, Aleosan, Alamada, Banisilan at Kidapawan City.
Layon ng SPES na matulungan ang mga kabataan
maging mag-aaral man o out-of-school youths na makapagtrabaho ngayong summer at
magamit nila ang kanilang suweldo sa pasukan bilang pambayad ng enrolment o
pambili ng mga gamit sa eskuwelahan.
Magkatuwang ang Provincial Government at ang
Dept of Labor and Employment – Cot Provincial Office sa pagpapasuweldo sa mga
SPES beneficiaries na P260 bawat araw kung saan 60% ang babayaran ng PGCot
habang 40% naman ang DOLE.
Sinabi naman ni Gov. Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza na malaking tulong ang SPES sa mga mahihirap na pamilya na may
pinag-aaral sa kolehiyo kaya naman sa tuwina ay bukas ang kapitolyo sa
pagtanggap ng mga kabataan upang matuto at kumita sila sa bakasyon.
Magagamit din nila ang kanilang experience
sa kapitolyo sa oras na makapagtapos ng pag-aaral at maghanap ng trabaho,
dagdag pa ng gobernadora. (JIMMY STA. CRUZ)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento