(North Cotabato/ April 15, 2015) ---Patay
ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng di nakikilalang suspek sa National
Highway ng Barangay Bialong, Mlang, sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ng Mlang PNP ang biktima na
si Larry Lorca, taga Purok 7, Barangay Libuo, Mlang, North Cotabato.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya,
bumibyahe si Lorca sakay ng kanyang multicab sinundan ng mga naka motorsiklong
mga suspek at pinagbabaril ang biktima.
Maraming tama ng bala sa ibat ibang
bahagi ng katawan ang kumitil sa buhay ni Lorca. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento