Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

150MW na supply ng kuryente, inaasahang papasok sa Mindanao Grid -MINDA

(Kabacan, North Cotabato/ April 14, 2015) ---Bagamat papasok ang 150 megawatts na supply ng kuryente sa Mindanao Grid na manggagaling sa Therma South Incorporated.

Mayaasahan pa rin umanong load curtailment sa Mindanao dahil pa rin sa walang reserba ang supply ng kuryente sa kasalukuyan.

Ito ayon kay MinDA Director III Romeo Montenegro sa panayam ng DXVL News, ito ay dahil sa patuloy na nararanasang tag-tuyot at dahil na rin sa panahon ng summer.


Kaya, aasahan pa rin na umano ng mga taga Mindanao ang dagdag na Load Curtailment sa mga susunod na buwan.

Anya ang matinding init na nararasan sa isla ng Miondanao ay naging dahilan ng pagbaba ng lebel ng tubig at paghina ng agos sa Lake Lanao at sa Pulange Lake na nagpapahina sa produksiyon ng kuryente ng AGOS Complex.

Dagdag pa ng opisyal na maranasan ang nasabing kakulangan sa kuryente hanggang sa pagtatapos ng panahon ng summer.

Maiibsan lamang ito sa pagpasok na ng 150MW na supply ng kuryente sa susunod na buwan.

Nakadepende pa rin ito sa mga distribution utilities ang kontrata ng bawat kooperatiba. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento