Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Barangay Kagawad, kalaboso

(Maguindanao, April 15, 2015) ---Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isang brgy.  kagawad matapos mahuli sa isinagawang drug buys bust operation ng pinagsanib na pwersa ng 33rd IB at PDEA-ARMM sa Sitio Bilibiran, Datu Abdula Sangki, Maguindanao.

Ang suspek ay kinilalang si Brgy. Maganding Kagawad Norodin Kasan Sangki alias Datu Nouri Sangki na itinuturing na high value target.


Hinalughog ng mga otoridad ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na may no. 2015-016 na inihain ni Judge Bansawan Ibrahim ng RTC branch 13, Cotabato City.

Nakuha mula kay Sangki ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 150 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng 700 thousand pesos.

Maliban sa ilegal na droga nakuha rin sa pamamahay ng suspek ang isang M16A1 rifle at magazine na may mga bala; isang 45 caliber pistol, 1 CASPIAN .45 caliber pistol at mga bala, at 40mm M203 rifle grenade ammunition. 

Nahuli si Sangki kasama ang asawa nito at dalawang iba pa na nanatili ngayon sa kustodiya ng PDEA ARMM.

Ang naturang operasyon ay bahagi ng mas pinaigting na kampnya ng mga otoridad laban sa ilegal na droga.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento