Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Habal-habal drayber, patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 13, 2015) ---Patay ang isang habal-habal drayber makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa panibagong krimen na sumiklab sa Purok Santan 2, brgy. Marbel, Matalam, Cotabato alas 6:40 kagabi.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Sammy Naga Angeles, 57-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nag-iinuman ang biktima kasama ng dalawa pang kasama nito sa tindahan na pag-mamay-ari ni Regacho ng nilapitan ito ng suspek at pinagbabaril.

Matapos na maisakatuparan ang masamang balakin, agad na tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likod nito ang biktima dahilan para isugod ito sa Kabacan Medical Specialist pero ideneklara naman ng mga doctor na dead on arrival.

Malaki ang paniniwala ng Matalam PNP na personal grudge ang isa sa mga rason ng pagbaril sa suspek na ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento