(North Cotabato/ April 14, 2015) ---Nahaharap
ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of
2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang
isang brgy. kagawad matapos mahuli sa
isinagawang drug buys bust operation ng pinagsanib na pwersa ng 33rd IB at
PDEA-ARMM sa Sitio Bilibiran, Datu Abdula Sangki, Maguindanao.
Ang suspek ay kinilalang si Brgy.
Maganding Kagawad Norodin Kasan Sangki alias Datu Nouri Sangki na itinuturing
na high value target.
Hinalughog ng mga otoridad ang bahay
ng suspek sa bisa ng search warrant na may no. 2015-016 na inihain ni Judge
Bansawan Ibrahim ng RTC branch 13, Cotabato City.
Nakuha mula kay Sangki ang apat na
sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 150 gramo na tinatayang
nagkakahalaga ng 700 thousand pesos.
Maliban sa ilegal na droga nakuha rin
sa pamamahay ng suspek ang isang M16A1 rifle at magazine na may mga bala; isang
45 caliber pistol, 1 CASPIAN .45 caliber pistol at mga bala, at 40mm M203 rifle
grenade ammunition.
Nahuli si Sangki kasama ang asawa
nito at dalawang iba pa na nanatili ngayon sa kustodiya ng PDEA ARMM.
Ang naturang operasyon ay bahagi ng
mas pinaigting na kampnya ng mga otoridad laban sa ilegal na droga.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento