(Carmen, North Cotabato/ April 12, 2015) ---Patay
ang isang apat na taong gulang na batang babae makaraang tamaan ng sakit na
dengue.
Sa impormasyong nakuha ng DXVL News sa
mismong tiyahin ng biktima na si Aprylle Joy Trance, binawian ng buhay si Karla
nitong Sabado alas 10:00 ng gabi.
Dumaranas ng matinding lagnat ang biktima
kaya naisugod pa ito sa isang pagamutan sa Kidapawan City.
Pero dahil sa bumaba
ang kanyang platelet at mahina ang kanayng resistensiya doon na nalagutan ang
biktima.
Si Karla ang nag-iisa babae at bunsong anak
ni Ginuong Trance na residente ng Purok 10, Poblacion, Carmen, Cotabato. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento