Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Milyung halaga ng Ari-arian, tinupok ng apoy!

(Maguindanao/ April 12, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa isang palengke at nasa daang kabahayan sa Datu Paglas, Maguindanao nitong Biyernes ng gabi.

Napag-alaman na abot sa milyong halaga ang naabo makaraang masunog.


Sa ulat nagsimula ang sunog bandang alas-10 ng gabi sa may palengke na mabilis na kumalat sa mga katabi nitong kabahayan.

Naapula naman ang sunog matapos na magresponde ang mga bumbero matapos ang mahigit 3 oras at mabuti na lamang na walang nasugatan at nasawi.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang sunog ay nagmula sa isang tindahang illegal na nagbebenta ng gasolina na nakalagay sa mga bote ng softdrinks.

Hindi pa matukoy ang eksaktong danyos sa nasabing sunog. Rhoderick Beñez





0 comments:

Mag-post ng isang Komento