(Kabacan, North Cotabato/ April 15,
2015) ---Patuloy pa ngayong ginagawan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng Mindanao
Rail Way System sa Mindanao.
Ayon kay MinDA Director III Romeo
Montenegro sa panayam ng DXVL News, matagal na umanong inirekomenda ng
ibat-ibang grupo ang nasabing proyekto.
Anya nagawan na umano ng Pre-Feasibility
Study ang parte ng Rail Way System mula Cagayan de Oro-Iligan hanggang
Zamboangga at magkakaroon na rin umano ng Flexibility Study ang portion mula
Cagayan de Oro papuntang Davao na dadaan naman sa lalawigan ng Bukidnon at
ibang bahagi pa ng Mindanao na dadaanan ng nasabing proyekto.
Dagdag pa ng opisyal na kung matatapos
na ang nasabing pag-aaral ay pag-aaralan ito at kung papaanong masimulan ang
nasabing proyekto. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento