Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ipo-ipo nanalasa sa bayan ng Mlang, mga istruktura at mga pananim, matinding napinsala

By: Mark Anthony Pispis

(Mlang, North Cotabato/ April 14, 2015) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng LGU ng Mlang ang kabuuang halaga ng danyos na iniwan makaraang manalasa ang Ipo-ipo na sumalanta sa bayan ng Mlang dakung alas 4:15 ng hapun kamakalawa.

Sa panayam kay Mlang Mayor Joselito Piñol sa panayam ng DXVL News Team, napinsala umano ng nasabing Ipo-ipo ang 15 mga kabahayan sa Brgy. Buayan kasama narin ang mga puno ng saging at iba pang agricultural crops.


Kasama rin sa napinsala ng Ipo-ipo ang isang wooden grand stand ng Mlang Pilot sa Brgy. Poblacion.

Liban pa sa pagkakasira ng ilang gusali ng Mlang National High School at Municipal Plaza, ayon pa kay Piñol.



Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng LGU Mlang ang Kabuuang danyos ng naturang ipo-ipo na naminsala sa bayan upang makapagbigay na tulong sa mga naapektuhang mga residente.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento