(Kabacan, North Cotabato/ April 15,
2015) ---Nagtataka ngayon ang ilang mga residente sa bayan ng Kabacan particular
sa brgy. Aringay matapos na mag-silabasan ang maraming isda sa ilog.
Nagkagulo ang maraming mga residente
kaninang umaga sa bahagi ng tuloy ng Aringay dahil sa dami ng isda.
Ang iba naman ay agad na lumusong sa
tubig at nanguha ng isda gamit ang fish net at mga kahoy ng madatnan ng DXVL
News team kaninang umaga.
Sa ngayon hindi pa maipaliwanag ng
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR kung anu ang dahilan ng
paglabasan ng mga isda.
Karamihan sa mga isda ay kinukulang
ng hangin o mga nag-hihingalo na at posibleng matamaan ang mga ito ng fish kill,
ayon naman kay Ginuong Bong Tomen, isa sa mga eksperto sa Aquaculture sa
panayam ng DXVL News team.
May mga ulat na may nagtapon daw ng molasses
sa ilog kaya naapektuhan ang paghinga ng mga isda, pero patuloy pa ito ngayong
beneberipika.
Nagpadala na rin ng sample ng tubig
ang BFAR sa Region, pero aabutin pa ng 5 araw hanggang isang lingo bago
makapagpalabas ng resulta ang BFAR.
Ang MENRO Kabacan naman ay
nagpalaboratoryo na rin sa Biology Department sa College of Arts and Sciences
para masiyasat kung mapanganib bas a kalusugan ng tao ang mga isda.
Paalala naman ng mga otoridad na
hangga’t wala pang abiso ay wag munang kainin ang mga hinuling isda. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento