“Pangkalahatan at Pangmatagalang
kapayapaan sa Mindanao”
Ito umano ang isinusulong ng Mindanao
Development Authority alinsunod sa Peace and Development Framework simula pa ng
maitatag ang MinDA sa bisa ng RA 9996 na ipinasa noon pang taong 2010.
Ayon kay MinDA Region 12 Director III
Romeo Montenegro sa panayam ng DXVL News.
Anya ang BBL ang magbibigay daan sa
transpormasyon ng maraming lugar sa Mindanao lalong lalo na sa ARMM at
Bangsamoro na kung saan ay kung magkakaroon na umano ng Bangsamoro Government
na mabubuo na mgiging pondasyon ng mga ito ay mas mapapabilis ang
transpormasyon sa mga lugar na ito.
Nanawagan naman ang opisyal sa mga
taga-mindanao na suportahan ang BBL sapagkat ito umano ang daan tungo sa
pagkamit ng pangmatagalan at pangkalahatang kapayapaan sa Mindanao. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento