by: Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ April 17,
2015) ---Umaabot na ng halos Limapung milyung piso halaga ang naitalang danyos
sa agrikultura sa Bayan ng Kabacan, simula ng manalasa ang taagtuyot hanggang
sa kasalukuyan .
Ayon kay Municipal Agriculture Office
Agricultural Technologist Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL news, umaabot na sa
5,849 na ektarya ng mga agricultural crops at 4,000 na magsasaka ang apektado
ng El nino phenomenon.
Sinabi ni Nidoy, patuloy pa ang kanilang
ginagawang consolidation sa mga barangay ng bayan upang mailagay sa master list
ang lahat ng mga magsasakang naapektuhan ng tagtuyot at para maisumite na Provincial Agriculture
Office o PAO.
Matantandaang ang bayan ng Kabacan ay
nasailalim na ng State of Calamity matapos ang naranasang tagtuyot sa bayan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento