By: Christine
Limos
(Kabacan, North Cotabato/ April 13, 2015)
---Nakatanggap ng tseke na nagkakahalaga ng lima punto siyam na milyong piso
ang LGU Kabacan mula sa Department of Agriculture para sa proyektong pang
agrikultura.
Nagpasalamat si Hon. Mayor Herlo Guzman Jr.
kina Department of Agriculture Secretary Proseso Alcala at DA Region 12
director Amalia Jayag Datucan sa tulong na ibinigay ng ahensya.
Ang naturang
proyekto umano ay para sa mga magsasaka na nasa upstream baranggay na mabigyan
sila ng goma at palm oil upang matulungan sila na mapaganda ang buhay.
Dagdag pa ni Mayor Guzman na mayroon ding
isang milyon at dalawa punto siyam na milyong piso para sa iba pang produktong
pang agrikultura na para sa mga magsasaka at sa mga asosayon lalo na sa
Irrigator’s Association.
Samantala, may proyekto din ang LGU na handy
craft making para sa mga kababaihan lalo na sa Women Moro Organization sa
tulong ng Department of Trade and Industry.
Inaasahan na sa susunod na linggo
ay darating na ang mga kagamitan para sa naturang proyekto.
Nagbigay din ng pahayag si Mayor Guzman
hinggil sa problema ng streetlights sa bayan ng Kabacan.
Aniya, dapat magkaisa
at magtulungan ang brgy. Poblacion at ang LGU Kabacan dahil ang ilaw umano ay
para sa kaligtasan ng mamamayan at sa peace and order.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento