Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dahil sa selos, estudyante pinaslang

(North Cotabato/ April 13, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 19-anyos na estudyante makaraang pagbabarilin sa bisinidad ng brgy. Bucana, Cotabato City, Maguindanao alas 5:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ng hepe ng Police Precinct # 4 na si Sr. Insp.Alex Lanistosa ang biktima na si Muamar Panda Usman 19 anyos at estudyante ng STI sa lungsod ng Cotabato.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ayon kay Lanistosa, alas singko ng hapon kahapon nang pagbabarilin ang biktima sa bahagi ng brgy. Bucana na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Selos ang isa sa mga motibong pinag-aaralan ng mga otoridad sa pamamaril at tukoy na umano nila ang suspek sa naturang insidente.

Samantala, Isa ang patay habang isa rin ang sugatan sa naganap na vehicular accident sa bayan ng Pigcawayan sa lalawigan ng North Cotabato kahapon ng hapon.

Nabatid na nangyari ang insidente sa bahagi ng Crossing Midpapan ng nabanggit na bayan pasado ala una ng hapon kahapon, araw ng linggo.

Binabagtas umano ng isang pampasaherong van ang kahabaan ng national highway nang bigla na lamang sumulpot ang motorsiklong sakay ng dalawa katao na nagresulta sa pagkakabundol sa mga ito.

On the spot na namatay ang driver ng motorsiklo habang agad ding naisugod sa pagamutan ang back rider nito na hanggang sa ngayon ay patuloy na inoobserbahan ng mga doctor.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento