Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

291 unit ng solar panels, ipinamahagi ng LGU sa isang malayong brgy ng Kabacan

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 13, 2015) ---Labis na pasasalamat ang ipinapaabot ng punong barangay ng Tamped sa pamunuan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., dahil sa ibinahagi nitong 291 units na solar light panels proyekto sa nasabing brgy.

Sinabi ni Mayor Guzman na mabiyayaan sa nasabing proyekto ang anim na sitios ng Brgy. Tamped kungsaan makikinabang ditto ang 291 na mga pamilya.

Ang solar light panels ay kayang pagpapa-andar ng ng 3 bulb lights, cellphone charging at AM FM radio sa bawat pamilya.

Dagdag pa ng alkalde ang solar panel ay proyekto umano katuwang ang LGU Kabacan, Department of Energy at University of Southern Mindanao Affiliated Renewable Energy Center o AREC.

Samantala, may programa din na Salintubig ang LGU Kabacan sa tulong ng DILG upang bigyang solusyon ang problema sa tubig sa brgy. Tamped.

Inihayag din ni Mayor Guzman na halos nasa  40 hanggang 50 % na ang implementasyon ng naturang proyekto at inaasahan na matatapos ngayong quarter ang pagpapatupad nito.

Maliban sa proyektong solar panel, inihayag din ng alkalde na may darating pang mga transportation vehicle upang mas matulungan ang mga mamamayan ng Kabacan.


Ipinaliwanag din ni Mayor Guzman na on going ang concreting at widening ng national highway sa Brgy. Malamote Kayaga highway sa pamamagitan ng proyekto ni Cong. Ping Ping Tejada. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento