(Tulunan, North Cotabato/ April 15,
2015) ---Nagkaroon na ng pagpupulong ang pamunuan ng LGU Columbio, Sultan
Kudarat, at LGU Tulunan, North Cotabato kasama ang Department of Agrarian Reform
Region 12 upang masolusyunan ang nangyayaring agawan sa lupa sa boundary ng
dalawang bayan.
Ayon kay DXVL Tulunan News Correspondent
Joel Dublado, kasalukuyan na ngayong pinaplano ang work-plan upang malaman ang
punot dulo ng nasabing agawan sa lupa sa dalawang bayan at magkaroon ng
pangmatagalang solusyon sa promlema upang matuldukan na ito.
Anya, nakatakda umanong magkaroon isa pang pagpupulong ang mga LGU’s na gaganapin naman sa bayan ng Tulunan upang mabigyan ng seguridad ng dalawang LGU ang Task Force na binuo ng DAR Region 12 na siyang magsusurvey at magvavalidate ng mga titulo sa nasabing lugar.
Taong 2011 pa umano nagsimula ang
nasabing problema hanggang sa taong kasalukuyan na siyang nagiging dahilan ng
kaguluhan sa lugar. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento