Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagbalik ng serbisyo ng kuryente sa mga Street lights sa Brgy. Poblacion, Kabacan tiniyak ng alkalde

(Kabacan, North Cotabato/ April 14, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang negosasyon ng Kabacan LGU sa Cotabato Electric Cooperative o Cotelco hinggil sa muling pagbabalik ng serbisyo ng Street Lights na naputulan dahil sa utang.

Ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman sa panayam ng DXVL, kanya nang inatasan si Municipal Administrator Ben Guzman upang makipag-ugnayan sa pamunuan ng Cotelco upang mas mapabilis ang pagbabalik ng ilaw sa mga steet lights sa Brgy. Poblacion ng bayan sa lalong madaling panahon.


Matatandaang inaproba na ng Sangguniang Bayan ang resolusyon na nagbibigay ng pahintulot sa Alkalde na siyang umako sa gastusin ng 215 Street Lights sa isinagawang Special na Session noong nakaraang Linggo.

Ito makaraang ulanin ng reklamo ang madilim na kalye ng Poblacion.

Sinagot din ni Mayor Guzman ang reklamo ng isang concerned citizen hinggil sa Solar Street Lights sa National Highway na hindi na rin gumagana. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento