By: Christine
Limos
(Kabacan, North Cotabato/ April 16, 2015)
---Huli ang dalawang guwardiya ng isang superstore sa ginawang Oplan Kap-kap
Bakal na ikinasa ng Kabacan PNP sa ELCID video-K house USM Avenue Kabacan Cotabato
kaninang alas 12:20 ng madaling araw.
Kinilala ni PSI Ronnie Cordero ang mga
suspek na sina Jackson Gabayan Beda, 21 anyos, binata at residente ng Brgy.
Malanduage, Kabacan, Cot. at Rafael Ramos Barbero, 27 anyos, binata at
residente ng Brgy New Abra, Matalam, Cotabato.
Ang dalawa ay kapwa mga security guard ng
Sugni Superstore Kabacan at miyembro ng Mesda Security Agency.
Nakuha kay Beda ang 1 unit ng calibre 38
revolver na walang seriel number at loaded ng 4 na pcs ng cartridge.
Samantala nakuha naman kay Barber ang 1 unit
ng calibre 38 revolver na walang serial number at loaded ng 3 na pcs ng
cartridge.
Sa initial na imbestigasyon ng Kabacan PNP
inabandona umano ng 2 guardiya ang kanilang duty sa Sugni at nag inuman sa
Elcid Video-K house.
Nabigong magpakita ng security guard license
at mga dokumento para sa baril na dala ang mga suspek. Kasalukuyang nasa Kabacan
lock-up cell ang mga suspek habang di pa naareglo ang kanilang kaso.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento