(Midsayap, North Cotabato/ April 17, 2015)
---Sinimulan na ang pagtanggap ng mga aplikante sa Government Internship
Program sa unang distrito ng North Cotabato.
Kaugnay nito, pinaalalalahanan ng Department
of Labor and Employment (DOLE) North Cotabato Field Office ang mga interesadong
aplikante na makipag-ugnayan lamang sa North Cotabato 1st Congressional
District Office na kanilang partner agency para sa mga requirements na kinakailangang
isumite.
Bukod dito, maaari ring magtanong sa
congressional office kaugnay ng screening at monitoring processes ng GIP.
Dadaan umano sa kaukulang proseso tulad ng
IQ test, interview at screening process ang mga aplikante.
Noong nakaraang taon, abot sa 100 kabataan
ang naging benipisyaryo ng GIP sa unang distrito.
Sa ilalim ng GIP, anim na buwang nagsilbi
ang mga intern sa iba't-ibang government line agencies at lokal na pamahalaan
kung saan tumanggap sila ng P202 o 75% ng regional minimum wage rate kada araw.
Batay sa report, halos kalahati sa mga government interns ang tuluyan nang nagtatrabaho sa iba't-ibang
ahensya ng gobyerno sa kasalukuyan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento