(Sultan Kudarat/ April 18, 2015) ---Tatlong kawani ng
logging firm ang napatay makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army
kahapon ng umaga sa bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat Province.
Kinilala ang mga biktima na sina Edgardo Valenzuela, 62,
area supervisor ng M&S Logging company; Rolando Toledo, 28; company guard at ang driver na si Nel Anthony
Perrezana.
Base sa impormasyon nakalap mula sa hepe ng Kalamansig PNP na si
P/Senior Inspector Glenn Mar B. Avisa, ang mga biktima ay sakay ng Toyota Land
Cruiser nang tambangan pagsapit sa bahagi ng Barangay Sabanal. Pinasabog din
ang dalawang bomba habang isinasagawa ang pananambang ng mga rebelde. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento