Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Habal-habal driver patay sa riding in tandem sa Kidapawan city

(Kidapawan City/ April 20, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang alamin ang panibagong insidente ng pamamaril sa Kidapawan City.

Batay sa ulat patay ang isang habal-habal drayber makaraang ratratin ng riding tandem sa harapan ng Philippine National Bank sa Quezon Boulevard, Kidapawan city kamakalawa.


Kinilala ng mga kapulisan ang biktima na si Richard Delgado “alias” Wangyo, residente sa Katipunan, Kidapawan city.

Batay sa ulat, ipinarada lamang ng biktima ang kanyang motorsiklo ng bigla lamang nilapitan ng mga suspek at pinagbabaril ang biktima ng ilang beses.

Nang makitang bulagta na si Delgado agad namang tumakas ang mga suspek matapos na maisakatuparan ang masamang balakin.

Narekober ng mga kapulisan ang 5 basyo ng kalibre .45 na pistol. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento