By: Mark Anthony Pispis
(Arakan, North Cotabato/ April
24, 2015) ---Patuloy pa ngayong pinaghahanap ng mga otoridad ang mga suspek na
responsable sa panghohold-up at pagtangay ng motorsiklo sa isang negosyante ng
itlog sa Brgy. Badiangon sa bayan ng Arakan, Cotabato alas 11:00 kahapon ng
umaga.
Ayon kay PSI Sunny Leoncito,
hepe ng Arakan PNP, kinilala nito ang biktima na isang Henry Mantikayan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nag
pick-up lamang umano ito ng biniling itlog sa nasabing lugar ang biktima at
nilapitan ng isang binata na nagpanggap na magbebenta sa kanya ng itlog.
Nang babayaran na sana nito ay
nilapitan siya ng dalawang pang ibang kalakihan at tinutukan ang biktima ng kalibre
.45 na pistol.
Natangay ng mga kawatan ang
P9,000 na cash at ang motorsiklong ginagamit nito sa kanyang negosyo na isang
Honda TMX 155, kulay itim na may plakang 4518LL, ang motorsiklo ay naka
rehistro kay Wyven Mendoza ng Poblacion, Kabacan.
Agad nagsagawa ng dragnet
operation ang Arakan PNP para sa posibleng pagkarekober ng sasakyan at
pagkahuli ng mga suspek ngunit bigong silang mahuli ito.
Sa ngayon ay patuloy pa ang
ginagawang imbestigasyon ng Arakan PNP sa nasabing insidente.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento