Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Drayber ng Van, natagpuang tadtad ng bala!

(North Cotabato/ April 25, 2015) ---Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang Van Drayber makaraang matagpuang tadtad ng bala ang katawan nito sa isang plantasyon ng oil palm ni dating Pikit Mayor Sumulong Sultan sa bahagi ng Brgy. Takepan sa bayan ng Pikit, North Cotabato alas 6:30 ng umaga kahapon.

Sa impormasyong ipinarating sa DXVL News ni P/Insp. Sindato Karim, ang OIC hepe ng Pikit PNP positibong kinilala ng misis nito ang biktima na si Felipe Amualla Sr., 53-anyos, residente ng Sinawingan, Libungan, North Cotabato.

Ayon sa maybahay ng biktima na si Juliet Amualla, nagpaalam ang mister nito na umalis ng bahay alas 6:00 ng umaga noong Huwebes upang palinisan ang kanyang Toyota Hi Ace Commuter Van, kulay berde (KDP 914).

Bandang alas 2:00 ng hapon kanila na lamang nakita ang naturang van sa bisinidad ng National Highway ng Brgy. Dualing sa bayan ng Aleosan, North Cotabato na inabandona.

Duda na ang misis na may nangyaring masama sa kanyang mister dahil hanggang sa mga oras na iyun ay nawawala (missing) pa rin ito.

Kahapon lamang ng umaga ng makita nito na isa ng malamig na bangkay ang kanyang mister sa bayan ng Pikit.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima sa likurang bahagi ng kanyang ulo sa at kanang braso nito.

Malaki ang paniniwala ng pulisya na personal na alitan ang dahilan ng pagpatay sa biktima na ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento